Monday, July 21, 2008

emails emails emails

Emails Emails Emails!
Ni Perry Calara, June 2008.

Dumating ang isang email sa akin galing sa isa sa mga kaibigan na si Sam Bautista ng SunStar baguio. Sabi sa email ay, “na set-up na niya raw ang aking email sa FanBox”.

Hmmm, curious ako at bihira namang mag-email itong si Sam at naghahanap ako ng article na maisusulat. Ayaw ko na sanang mag sign-up sa FanBox email na ito kasi mayroon na akong yahoo, hotmail, Gmail, at walla emails. DAMO ano?

Kaya lang, 10Gbytes and offer para sa inbox ng FanBox. Katulad noong less that 1 Gigabytes ang offer ng Yahoo at Hotmail, halos 3-5Gigabytes na ang offer ng Walla.com. Kaya napilitan akong kumuha ng walla email.

Nagbukas naman ako ng Gmail na halos kasabay na walla ko dahil na rin sa malaking inbox capacity nito na 2.5Gigabytes noon at umaabot na sa 6 Gigabytes ngayon. Trip ko rin ang ibang services na kakabit ng Gmail katulad ng kanilang blog.

Nag sign-up na nga ako para sa aking FanBox inbox--akin na yang 10Gbytes na iyan! Na-tempt ako dahil parang ibabasura ko na ang aking walla. Foreign language na ang lumalabas na instructions sa walla.com main page. Nabili na yata ito ng isang European company.

Fiesta ang Pakiramdam kung umaabot sa mga giga-gigabytes ang limit ng mga inboxes. Lalu na sa katulad ko na nag-umpisa sa 2megabytes(?) ng mga inboxes noong dekada nobenta.

Sa umpisa, nag-aatubili akong kumuha ng FanBox email kasi improve na ang services ng Yahoo, hotmail, at Gmail.

Sinasabi ng Yahoo na unlimited na ang kanilang inbox capacity. Naging paborito ko ang Yahoo kaysa sa hotmail dahil noong mga 90s halos walang spam mail akong natatanggap sa aking Yahoo. Sikat din pati sa akin ang kanilang egroup at kailangan ko ang yahoo mail sa egroup na ito.

Sampo ang mino-moderate kong egroup. Isa na dito ang semi-inactive na pinoy gazette egroup. Umaabot na rin sa 5gigabytes ang hotmail account ko. Improve na rin ang kanilang windows live.

Sa FanBox sinasabi nilang spam free na nga sila. Susubukan ko pa ito. Pero, mukhang ang pinaka ma-eenjoy ko ay ang instant messaging console nila. Biro mo makikita mo ang lahat ng ka-chat mo sa yahoo, hotmail, Gmail sa iisang console. Sinubukan ko pero nangangapa pa. Meron din ang FanBox na web-based desktop. Itsura niya ay parang desktop mo na rin sa computer—May mga applications, mayroong my documents, at basurahan.

Haayyy, sa dinami-dami ng mga email services sana makatulong ito sa efficiency ng ating communication para naman makatulong sa ating hirap na hirap na buhay (para sa kumentaryo pasok lang sa: http://pinoygazette.blogspot.com/).

0 comments: