Digital Photography
Ni Perry Calara
Panahon na ng Digital kahit sa potograpiya.
Dati-rati analog lang, yung gumagamit ng film. Telepono nga ay mayroon ng digital Kamera.
Pareho pa rin ang concept sa mga pagkuha ng photo: tamang ASA (o ISO), tamang speed ng shutter, at tamang bukas ng aperture. Pareho pa rin ang basehang prinsipso katulad ng kung papaano pumapasok ang ilaw sa kamera.
Ang laking pagbabago nga lang sa digital ay ang Photograper na mismo ang makakapag-download ng larawan sa computer,puwedeng i-enhance ng software at puwede na ring siya ang mag-print ng kanyang mga larawan
Dami-daming makukuhang shots kapag digital photography. AT kung pangit ang kuha puwede na rin ma-erase sa kamera na mismo. Noon limitado lang sa 12, 24, 36, at 72 shots. Tipid talaga sa film and digital.
Naida-download ko na rin ang mga photos na ito sa aking Blog at sa flicker. Kung nais mong masilip puwede ninyong puntahansa: http://www.flickr.com/photos/pmcalara/ . Huwag niyong kalilimutang mag-iwan ng comment, ha? At puwede rin kayong magbenta ng photo sa pamamagitan ng pagdownload sa internet. Maraming site. Ang isang site ay ang dreamstime. Para sa link punta kayo sa pinoygazette blog: http://pinoygazette.blogspot.com/. Hanapin ang link ng Dreamstime sa top right ng pahina.
Tip lang. Kung bibili ng digital kamera, parating tatandaan na ang mga makukuha mong larawan ay mangangailangan ng memory space. Kung makaabot ka nga ng libong kuha ay malaki-laking memory space ang kailangan mo.
Iyong mga good pictures na puwedeng i-print sa 8R size na photo paper ay mangangailangan ng mga 1.2 megabytes na space. Ang pixel dimension nito ay mga 1200 x 1600 na fine ang quality sa configuration sa inyong mga kamera.
Nakapanghihinayang lang minsan na ang gaganda ng Kamera pero ang liliit naman ng size (maliit na pixel) ng kuha. Hindi namamaxima ang kamera. Kung ganito rin lamang, gamitin niyo na ang kamera ng phone ninyo.
Naglibot-libot ako sa mall noong nakaraan lingo, napag-alaman na halos wala ng 5mega pixel ang pixel size ng photos ng mga na mga digital phones. Halos 6 to 12 mega pixels na ang configuration ng kamera dito sa Pilipinas. Mas malaking pixels din Siyempre ang digital Single-Lens Reflex (DSLR).
Nakarating din ako sa pag-iikot sa Hildalgo sa Quaipo. Napag-alaman ko na mga 10%-20% ang discount doon kumpara sa mga presyo sa malls. Kailangan mo nga lang maging matiyaga sa pagkukumpara ng mga presyo.
Hala shoot lang ng shoot. Ipakita sa mundo ang kalagayan ng ating lipunan (Para sa kumentaryo , pumasok lang sa http://pinoygazette.blogspot.com/) .
This message may contain confidential information. If you are not the designated recipient, please notify the sender immediately, and delete the original and any copies. Any use of the message by you is prohibited.


0 comments:
Post a Comment