OS, SD card, Photograpiya
Perry Calara
Nagkaroon ako ng “minor” na problema sa aking Operationg System (OS)--sa tingin ko.
Problema ko ang management ng aking SD cards. Naiinis na ako at dumadami na ang aking SD cards. Trial and Error kasi; Pinagtityagaan pa ang China-Generic.
Noong una akala ko SD card ang may problema. Meron din palang problema ang OS. May connection din ito sa aking bagong kinaaabalahan: Photography.
Nahalata kong mayroong problema kapag hindi na nababasa ng aking VISTA ang SD card. Sasabihin ng computer na hindi ito formated. I-foformat ko naman. Kapag naisaksak ko na sa Kamera sasabihin niya hindi rin ito formatted. Tatanungin naman ako ng kamera kung nais iformat, i-foformat ko naman. Pagkatapos kukuha ako ng mga pictures.
Kapag ibinababalik ko na ang SD card sa aking laptop para kunin na ang mga pictures sasabihin niya naman na hindi ito formatted. Susmaryosep! Hirap kaayo, kalian ito matatapos.
Sa umpisa ng problemang ito hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa mga photos na nasa SD cards, papaano ko iyong makukuha sa SD card. Hindi kalaunan, napag-alaman ko na puwede itong basahin sa mga computers na may OS na windows 2000 at XP. Buti na lang! Problema naman ngayon papaano ko gagamitin ang laptop na may VISTA.
Akala ko rin na baka ang dahilan ay ang generic SD card kung bakit hindi ito mabasa ng Vista. Nagkailang generic kasi ang na-trial and error ko. Sinubukan ko naman ang may brand.
Wa epek pa rin. Binabasa ng XP ang branded pero kapag kinokopya ko na ang photos sinasabi niya na protected ang SD card. Grrrr. Nakokopya naman ang mga photos pero hindi ito na-eerase sa CARD, protected nga,eh. Ibig bang sabihin bibili na naman ako ng SD card? Nagkailang ulit ko nang itinaas-ibinaba ang protect button ng card pero inis lang ang dumarating sa akin.
Heto ang dulo ng kwento. Ang write-protected na branded SD card ay binabasa ng Vista. At puwedeng kopyahin at pagkatapos ay na-eerase ang mga photos. Ganoon??!
Bakit kasi itong mga kapitalista ay kung ano-ano ang ginagawa sa kanilang mga hardware at software para, sa isang banda, ay ma-korner nila ang market.
Sa krisis na nangyayari ngayon mukhang narinig ng bathala ang aking dasal na
sana parusahan silang nagpaparusa sa atin. Buti nga sa kanilang mga naluluging kaswapangan. Maapektuhan tayo nitong krisis pero mas matindi ang lagapak nito sa mga kapitalista (para sa kumentaryo, ilagay lang sa (http://pinoygazette.blogspot.com/ at sa mga nais ibenta ang kanilang mga photos pasok lang po sa http://www.BigStockPhoto.com/?refid=NkLq9JXbpD).
Tuesday, December 09, 2008
OS, SD card, Photograpiya
Labels:
generic,
larawan,
litrato,
microsoft os,
photographs,
photography,
pictures,
pix,
potograpiya,
sd cards,
vista
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment