Pinalagyan ko ng hangin ang aking gulong sa shell
station sa kanto ng Ayala avenue at EDSA—“30 pounds
per square inch (PSI), sabi ko sa gasoline boy.
Sinaksak naman ng gasoline boy iyong hose sa aking
gulong. Nagtataka naman ako na ang tagal lagyan ng
hangin ang gulong. Sinilip ko iyong kanilang gauge na
nakadikit sa dingding. Nakikita ko na naguumpisa sa
22 PSI ang measurement tapos biglang lalabas ang 30
psi.
Nang makita ko na ang basa na sa gauge ay 16 PSI,
bumaba na ako bago siya makarating sa pang-apat na
gulong.
Sa kasaysayan na paglalagay ng hangin sa aking gulong
ay hindi bumababa ito sa 27 PSI bago lagyan ng hangin.
Tanong ko sa gasoline boy, “calibrated ba iyang gauge
niyo.” Ang sagot, at parating sagot sa akin sa tanong
na ito sa mga gasoline stations ay, “computerized po
ito.”
Sabi ko sa kanya kung 16psi ang basa ng gauge ninyo at
ang tamang hangin ng gulong ko ay 30, aba! kalahati na
iyon at sa tingin ko parang running flat na ako bago
pumunta sa gasoline station na iyon. Hindi ako flat ng
pumunta ako dito. Nang nakikita kong may parang
letrang E na lumalabas sa gauge, sabi sa akin ng
gasoline boy na “nag-e-eror lang.” Inayos niya ang
“computerized” na gauge sa pamamagitan ng pagtanggal
ng saksakan sa kuryente. Sa loob-loob ko, “wala ba
itong switch.” Pindot ng pindot, pindot ng pindot,
Hala! Ayaw gumana ng gauge.
Pinatawag ko na ang supervisor. Bago pa man
makarating ang supervisor sinabihan ko na ang gasoline
boy na hindi ito tungkol sa kanya kundi tungkol ito sa
Shell at ang kanyang serbisyo. Sinabi ko na ang
laki-laki na nga ang tinutubo ng shell, e, ganito pa
ang service sa customer. Sabi ko sa kanya, “ang
tawag sa ginagawa natin ay “consumerismo.””
Dumating naman si King ang inaakala kong supervisor sa
panahong iyon. Sabi ko sa kanya na hindi ako
nagrereklamo, nagbibigay ako ng feedback para na rin
sa Shell. Pindot ng Pindot, pindot ng pindot pero
hindi pa rin gumagana ang gauge. Naghanap ng manual
gauge kasi gusto kong malaman ang pressure ng aking
gulong. Walang manual pressure gauge na mahanap. Ha!
Ano ba naman, laki na nga ng kita simpleng gauge lang
wala.
Kinuha ko na lang ang buong pangalan ni King at
ibinigay ko ang impormasyon sa kanya tungkol sa akin
at sabi ko paki sabihan ang kanyang supervisor kung
ano ang nangyari sa gabing iyon. At sabi ko na bigyan
din ako ng feedback kung ano ang masasabi ng
management ng Shell sa pangyayaring iyon.
Pumunta ako sa isa pang Shell station at doon ko
pinalagyan ng 30psi ang mga gulong. Alam niyo ba ang
inilagay ng tire pressure sa aking gulong doon sa
naunang shell station. 46psi, 38psi, at 49psi. iyong
hindi ginalaw na gulong ay may lamang 29psi. Buti na
lang hindi ako naputukan ng gulong at nadisgrasya.
Ang malamang na nagging problema nito ay hindi pantay
na paggasgas sa aking gulong dahil sa iba-ibang tire
pressure nito.
Kayo, bago kayo magpatakbo ng sasakyan alamin ang
tamang tire pressure sa gulong. Siguraduhin ding
calibrated ang gauge na ginagamit (Para sa kumentaryo
, pumasok lang sa http://pinoygazette.blogspot.com/).
Tuesday, December 09, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment