Monday, May 19, 2008

Siyensang Pang-bata

Siyensang Pang-bata
Ni Perry M. Calara
May 19, 2008

As usual fan ako ng Nat Geo Channel. Isa sa mga binantayan naming mag-asawa ay ang programang “Science of Babies.”

Bakit pa nga ba, bago kasing tatay ang inyong lingkod.

Napag-alaman kong, Abah! nakakaintindi na pala ng math kahit ang mga sanggol. Hindi pa nga lang iyong western math na ipinakikita sa atin kapag tumuntong tayo sa grade one.

Sabi naman ng doctor ng aking Himaya, akala natin ay passive ang mga babies pero active learner pala sila. Akala lang nating mga matatanda ay natututo at bored ang mga bata, mali kayo natututo pala sila hindi lang natin alam.

Nakita ko rin sa NAT Geo, “we were really made to walk.” Kahit maliit na bata ay trip maghakbang kapag inilalapat ang paa sa flat surface. Nawawala nga lang ang ganitong reflex after ng ilang buwan pero lalabas pa rin kung inilagay ang mga paa ng bata sa ilalim ng tubig.

Speaking of tubig, aliw na aliw nga ako na malaman na kahit ilang buwang sanggol pa lamang ay maaari ng matutong lumangoy. Oo nga naman, kung iisipin, at home ang mga sanggol sa liquid environment dahil galing sila sa loob ng tiyan ng nanay.

Aliw kung ikukumpara sa akin dahil college na akong natuto ng langoy aso. Pinilit ko pa ang sariling matuto dahil dyahe sa mga kaklase na naglalambutsingan sa gitna ng pool habang parang tuko naman akong nakakapit sa gutter ng swimming pool. Mas dyahe kung mga tsikas ang mga kasama, di ba?

Si Himaya binibigyan na namin siya ng water orientation kasama na ang lublob sa pool. Siyempre naman, calculated risk na lublob na una ang bumbunan na pumasok sa tubig para hindi pumasok sa ilong ang tubig. Indicator ko lang na badtrip na si Himaya kung iiyak-iyak na siya. Hindi naman, nakangiti naman minsan pagkatapos niyang “humatsing,” at mahanap ang hininga. Takot nga lang ako na mapasukan ng tubig ang teynga niya. Sabi naman ng doctor ay mayroon naman daw na parang mga valve ang teynga para hindi mapasukan ng tubig. Yun namang teynga ay puwede raw ipasok ang malambot na pinanipis na bulak para maabsorb ang tubig.

Alam ko naman na kahit nasa sinapupunan pa lang si Himaya ko ay natututo na siya. Na validate lang ng palabas sa NAT Geo. Para sa pagmamahal sa musika, pinasawaan namin ng kanyang nanay ng mga classical music. Sa proseso naman, parang natipuhan ko ulit ang mga musika nina Vivalde, Beethoven, Bach, Mozart, at Bayang Barrios.

Paalala lang, Marami ring kaalamang pang-bata na manggagaling sa ating kultura at kapaligiran. At oo, huwag kalimutang turuan ang ating mga anak ng pagmamahal sa bayan, dapat una ito kaysa sa pagturo ng kultura ng ibang lahi (para sa kumentaryo pasok lang sa: http://pinoygazette.blogspot.com/).