Sama-samang pagkilos laban sa dengue
Perry Calara
Tumataas ang insidente ng Dengue sa Pilipinas. Noong Enero hanggang Marso mayroon nang naitalang 6,653 na kaso ng dengue sa mga ospital sa buong bansa. Ito ay 22% na mas mataas kaysa sa parehong panahong noong 2007.
Isa sa mga lugar sa Metro Manila na may matataas na insidente ng sakit na ito ay ang Quezon City. Halos 141% ang itinaas ng insidente ng Dengue sa Lungsod. Mayroon ng 1,029 naitalang kaso noong buwan ng Hulyo 15, 2008.
Sa purok 4 and 4a, Barangay Culiat, Quezon City halos tumaas ang insidente ng 83%. Noong Agosto 30, 2008 mayroon ng 11 na kaso ang naitatala sa purok na ito. Mayroon lang 6 na kaso sa purok na ito noong 2007.
Kumilos na ang mga taga Culiat para mapuksa ang sakit, mayroon na sa kanilang isang namatay sa dengue.
Para labanan ang Dengue, alam nilang dapat sistematikong pagkilos ang dapat gawin. Wala naman silang ibang magagawa kundi lumaban!
Sentro ng plano ay ang pag-oorganisa ng barangay. Alam nila na sa sama-samang pag-kilos lamang mapupuksa ang sakit, at hindi sa “photo ops” na anti-dengue fogging ng mga pulitiko.
Nakipagtulungan ang Masigasig-Ka Neighborhood association sa ilang organisasyon katulad ng Syngenta Foundation Incorporated (SFI), Tau Gamma Fraternity ng Luzon avenue, Quezon City chapter, Bayan Muna party list, Local Government ng Barangay Culiat, at sa Culiat Health Center.
Sa tulong ng SFI, health center, at barangay Local government pinag-aralan ng barangay ang kanilang kalaban na Aedis Aegypti na lamok. Binigyan sila ng SFI ng mga kimikal na gagamitin sa kanilang fogging, spraying, pagpuksa ng kiti-kit, at treatment ng kanilang kurtina para mapatay ang lamok na dadapo dito.
Kasama ang Tau Gamma at Bayan Muna nagbabahay-bahay sila upang magkonsulta, mag-organis at magpaliwanag sa nilalaman ng kanilang mga plano. Armado sila ng plano, kaalaman at mga anti-dengue na pulyeto.
Kasama ang Health Center, nagkaroon sila ng pagbibilang ng kiti-kita para malaman ang panimulang datos na bilang ng nakamamatay na Aedis Aegypti. Kasama ito sa kanilang monitoring activity.
Hindi lang sila magfa-fogging ng isang beses kundi apat na beses nitong September. Kapag isa lang na fogging kasi hindi mapupuksa ang mga maliliit pa lamang na kiti-kiti. Pinagbabawal pati ng Department of Health ang indiscriminate fogging, o bara-barang pag-fogging.
Mayroon din silang spraying, at paglub-lob ng kurtina sa likidong may anti-lamok. Mayroon din silang planong regular na paglinis ng kanilang paligid na tinatawag nilang search and destroy.
Binibigyang diin sa kanilang mga pagpupulong na mahalaga ang pagkakaisa, pagoorganisa, at sistematikong pagkilos upang mapuksa ang dengue sa kanilang barangay (para sa kumentaryo, pumasok lang sa http://pinoygazette.blogspot.com/).
Wednesday, September 10, 2008
Sama samang pagkilos laban sa dengue
Labels:
aedis aegypti,
Bayan Muna,
culiat,
dengue,
fever,
lamok,
quezon city,
syngenta,
syngenta foundation,
tau gama
Tuesday, September 09, 2008
Baterya
Baterya
Ni Perry M. Calara
Naiwanan kong minsang bukas ang ilaw ng sasakyan ng buong magdamag. Siyempre pa alam niyo na ang ending.
Kinabukasan gumagana pa naman ang radio at ilaw ng sasakyan pero hindi na kaya ng baterya na paandarin ang makina—Ayaw mag-start. Lagot na ang araw; at hindi na ako nakapasok sa trabaho.
Nang dinala sa battery shop, ni rere-charge sana kaya lang medyo sira na ang battery. Akala ko nga tubig lang ang katapat. Sira na raw ang ilang plato sa loob. Ito naman sa battery shop alam niya na naman na hindi na ito gagana, itinuloy pa rin ang charging. At, pinabayad pa rin kami ako ng PhP80.
Maka PhP80 lang tinuloy pa talaga ang charging. Ako naman kasi si kulit at nagmamagaling nakotongan tuloy ng PhP80. Napag-alaman ko pa na sa kabilang shop ng baterya PhP50 lang ang charging. Susmaryosep! AT mas mura ang baterya sa kabila ng kulang kulang sa 10%. Sa gitna ng kahirapan mamumura mo talaga ang ibang kababayan.
Marami na ring lessons learned sa araw na iyon.
Kapag sira na ang ilang bahagi ng wet cell ng sasakyan, kailangan na pala itong palitan. Masisira at masisira ang wet cell na baterya kapag halos dalawang taon na itong ginagamit. Abangan niyo na at huwag na kayong papaabot ng pagkapalya ng baterya sa malalayong lugar.
Imbis na mainis sa buhay habang pumalpak na ang araw dahil sa sirang baterya, inalala ko na lang kung ano nga ba ang baterya. Ah, ito ay isang electrochemical cell na kino-konvert ang chemical energy sa electrical energy. Kaya may mga kimikal ang baterya kasi iyon nga ang kino-konvert sa kuryente. Ito ay isang klasik na batas ng thermodynamics ng Physics. Naimbento ito ni Alexander Volta noong 1800.
Bobo ko pala sa baterya--kaya nga siguro ako nakotongan ng PhP80—at napag-alaman ko habang tsina-charge ang aking baterya nang dalawang oras na meron a rin palang “dry cell” na baterya sa mga sasakyan. Ito iyong tinatawag nilang maintenance free. Akala ko lahat pa ng baterya ng sasakyan ay nilalagyan pa ng tubig—“wet cell.”
At mahaba na ang warranty ng ibang baterya sa sasakyan. Kung dati ay mga isang taon lang ang warranty ngayon ay mga dalawang taon na. Siguro naman kasi alam na ng mga manufacturers na tatagal talaga ng dalawang taon ang mga maintenance free battery.
Ng bumili na ako ng bagong baterya dahil nga wala ng silbi ang re-charging, nalaman kong binibili na rin pala talaga ang mga sirang baterya. Tatlong daang piso ang isa. Buti naman at mahirap magtapon ng mga kimikal ng baterya sa ating kapaligiran. Kailangan ngang pag-isipan na ng mga taga gawa ng baterya kung papaano itatapon ang mga ito kapag nagamit na ng kanilang kliyente.
Siguro nga dapat pag-isipan na rin ng mga taga gawa ng cell phone kung papaano itatapon ang mga baterya kung gamit na ito. At iyon ding mga baterya ninyo sa mga flashlights at ilang appliances dapat itatapon din sa tamang paraan. Malilintikan tayo kung ang kimikal ng mga bateryang ito ay makararating sa groundwater ng ating kapaligiran--responsible use ng ating baterya, mga kababayan. Mahirap magkasakit habang ang bansa natin ay nasa matinding kahirapan.
Isa sa mga salitang napagmuni-munihan ko sa araw ng pumalya ang aking baterya ay ang salitang re-charge. Oo, sa panahong ito, sa gitna ng kahirapan at pampulitikang kapalpakan kailangan nating makapag re-charge katulad ng isang baterya. Re-charge para sa isang mahabang pakikibaka para ituwid ang kamalian sa ating lipunan. At sana, sa mahabang pagkilos na ito hindi papalya ang ating baterya (Perry M. Calara).

Subscribe to:
Posts (Atom)