Monday, October 20, 2008

tunay o scam

Tunay O Scam

By Perry Calara

 

Pumapasok ako sa isang malaking hardware kamakailan nang sinalubong ako ng attendant personnel ng isang consumer store.  Punta lang daw ako sa kanilang store at bibigyan ako ng give away. Wala daw akong bibilhin.  Siyempre, punta naman ako.

 

Pagdating doon tinanong na nila ako kung taga saan ako, sinabi ko naman, at bigla na lang naghihiyawan ang nasa loob ng store at bibigyan daw ako ng pressure cooker.  Tinawagan ang supervisor pero ubos na daw ang sampong pressure cooker na ipamimigay sa araw na iyon.  Bibigyan na lang daw ako ng kung anong electronic  unit na nasa store basta lang daw bumili ako ng isa—Para bang buy one take one.   Nang malaman nila na may credit card ako, tuwang tuwa na naman ang mga tao at may ibibigay pa daw sa akin.

 

Dumating ang punto na ang ibibigay sa akin na worth of gadgets ay lagpas sa mga PhP100,000 kung bibilhin ko ang isang gadget na worth na mga PhP40,000. "Wow!" ang sabi ko.  Tinawagan ko nga ang aking asawa na naghihintay sa labas at sabi ko, "may namimigay dito sa akin ng PhP100,000." Interesadong-interesado pa man din ako sa induction cooker na kanilang ibinibenta na worth mga PHP40,000. Walang apoy kung magluluto ka dito. Sabi ko, “yun lang ok na ako plus, plus, plus.” 

 

Kaya lang sabi ko sa tindero na hayaan muna nila akong maka-hinga at bibilhin ko muna ang dapat kong bilhin sa hardware na iyon.  Naghanap ako ng ka-kumpetensya ng mga gadget na inilalako sa akin.  Sa tingin ko kasi ang mahal ng mga ibenebenta at noon ko lang naman narinig ang brand na ino-ofer sa akin. 

 

Pumasok ako sa isang store at inihahambing ang ilang produkto nang napagsabihan ng tindero doon na ganoon nga ang modus operandi ng tindahan na iyon--para kang nanalo.“Kung gusto mo talaga sir, bumili ka pero hingi ka pa ng iba pang item. Dagdagan mo pa.”  Doon na ako natauhan.

 

Bumalik ako sa store na hindi ko kilala ang brand at pinagtatatanong ang specifics ng kanilang produkto.  Una akong tinanong ay, "bakit walang nakasaad kung saan gawa ang mga produkto nila."  Ang sabi sa akin, nalilito ang mga costumer kasi galing sa iba ibang lugar ang kanilang produkto.”  Ayayay!

 

Tinanong ko rin kung papaano ma enhance ng kanilang water purifier ang tubig.  Parang ang nabanggit sa akin ay nadadagdagan ng Oxygen.  Sabi ko sa kanya, “alam mo ba na kapag dinagdagan mo ng Oxygen ang dihydrogen oxide (H20) nagigi itong H2O2  o hydrogen peroxide.”  Dine-debate ko nga dahil kapag may mga palpak na sagot hihingi pa ako ng mga additional item katulad ng nabanggit ng tindero sa kabilang tindahan.  Dito na rin humina ang mga sales talk ng nagpapanalo sa akin. Wala na rin iyong naghihiyawan dahil nanalo ako ng mga gadgets nila.  Bumaba na rin tama ko at umalis.

 

Kinabukasan search ako sa internet. Ang una kong nabanggit sa aking sarili ay, “SUS, muntik na!”

 

Napag-alaman ko na ang presyo ng gadget sa tindahan na iyon ay super-duper ang taas ng presyo.  Yung induction cooker nga na PhP40,000 plus ay PhP10,000 lang na makukuha sa ebay.ph.  at ang micro wave oven nila na PHP30,000 plus sabi ko makakakuha ako niyan ng tatlong microwave sa mga kilalang brands.  Muntik na talaga!

 

Kayo diyan, libre lang ang maging makulit, kailangan iyan ng mga syentipiko


This message may contain confidential information. If you are not the designated recipient, please notify the sender immediately, and delete the original and any copies. Any use of the message by you is prohibited.

Monday, October 06, 2008

Digital Photography

Digital Photography

Ni Perry Calara

 

Panahon na ng Digital kahit sa potograpiya.

 

Dati-rati analog lang, yung gumagamit ng film.  Telepono nga ay mayroon ng digital Kamera.

 

Pareho pa rin ang concept sa mga pagkuha ng photo: tamang ASA (o ISO), tamang speed ng shutter, at tamang bukas ng aperture.  Pareho pa rin ang basehang prinsipso katulad ng kung papaano pumapasok ang ilaw sa kamera.

 

Ang laking pagbabago nga lang sa digital ay ang Photograper na mismo ang makakapag-download ng larawan sa computer,puwedeng i-enhance ng software at puwede na ring siya ang mag-print ng kanyang mga larawan

 

Dami-daming makukuhang shots kapag digital photography.  AT kung pangit ang kuha puwede na rin ma-erase sa kamera na mismo.  Noon limitado lang sa 12, 24, 36, at 72 shots.  Tipid talaga sa film and digital.

 

Naida-download ko na rin ang mga photos na ito sa aking Blog at sa flicker.  Kung nais mong masilip puwede ninyong puntahansa: http://www.flickr.com/photos/pmcalara/ .  Huwag niyong kalilimutang mag-iwan ng comment, ha?  At puwede rin kayong magbenta ng photo sa pamamagitan ng pagdownload sa internet.  Maraming site.  Ang isang site ay ang dreamstime.  Para sa link punta kayo sa pinoygazette blog: http://pinoygazette.blogspot.com/. Hanapin ang link ng Dreamstime sa top right ng pahina.

 

Tip lang.  Kung bibili ng digital kamera, parating tatandaan na ang mga makukuha mong  larawan ay mangangailangan ng memory space.  Kung makaabot ka nga ng libong kuha ay malaki-laking memory space ang kailangan mo. 

 

Iyong mga good pictures na puwedeng i-print sa 8R size na photo paper ay mangangailangan ng mga 1.2 megabytes na space.  Ang pixel dimension nito ay mga 1200 x 1600 na fine ang quality sa configuration sa inyong mga kamera.

 

Nakapanghihinayang lang minsan na ang gaganda ng Kamera pero ang liliit naman ng size (maliit na pixel) ng kuha.  Hindi namamaxima ang kamera. Kung ganito rin lamang, gamitin niyo na ang kamera ng phone ninyo.

 

Naglibot-libot ako sa mall noong nakaraan lingo, napag-alaman na halos wala ng 5mega pixel ang pixel size ng photos ng mga na mga digital phones.  Halos 6 to 12 mega pixels na ang configuration ng kamera dito sa Pilipinas.  Mas malaking pixels din Siyempre ang digital Single-Lens Reflex (DSLR).

 

Nakarating din ako sa pag-iikot sa Hildalgo sa Quaipo.  Napag-alaman ko na mga 10%-20% ang discount doon kumpara sa mga presyo sa malls.  Kailangan mo nga lang maging matiyaga sa pagkukumpara ng mga presyo.

 

Hala shoot lang ng shoot. Ipakita sa mundo ang kalagayan ng ating lipunan (Para sa kumentaryo , pumasok lang sa http://pinoygazette.blogspot.com/) .

 

 


This message may contain confidential information. If you are not the designated recipient, please notify the sender immediately, and delete the original and any copies. Any use of the message by you is prohibited.